Promise, im so seriously clumsy... siguro ito ung nakatakdang manahin ko sa mga kanunununuan ko...am not sure if i should really be blogging these screwups...pero unfair naman atang itago ko na lng ito sa sarili ko and i guess every goofs in our lives has its purpose...baka ito na nga ung purpose nila...
Here are my own collections of real-life bloopers..really embarassing for me but too crazy to be forgotten....
Bloopers with my former bossess (sana di nila mabasa)
Wrong Sent
Naranasan mo na bang ma-corner ng boss mo dahil sa wrong sent na text message? Hehehe..Engs talaga me e.... Kasi namam New Year's eve na nagdedebug ka pa ng program ng may program na hindi mo ma-gets gets ung logic...Sabayan pa ng text ng sistah and bros mo na mega-party sa Tundo..sa sobrang atat ko, talagang nagdecide na akong magpaalam kay bossing...
Pero parang asar-talo talaga ako e..di ata naniniwala ito sa bawang at sintron ni hudas...sa sobrang inis ko nagtext ako sa sistah ko ng "Shit, bad trip talaga tong si sir Omar...sira-ulo talaga sya..etc.." Habang pinipindot ko ung keypad, pinagtatadyakan ko sya, kinakalbo...sa isip ko nakaganti n ako sa kanya hehehehe...pero di nya alam hehehehehe....
Wala akong choice kundi pigain ko ang utak ko at ayusin ang mga run-time errors na nagsusulputan sa screen ko kundi hanggang bukas ako dito...yari traffic sa North diversion road.. Syempre paawa effect ang beauty ko pa rin kay bossing baka magbago isip e....pero parang lalong lumala ung mood nya huh...parang lalong sumama mukha nya at in-fairness panay tingin nya sa area ko...malamang nagiguilty na to...
Nagoffer syang ihatid kami sa kanya-kanya naming tahanan...Pero may kakaiba talaga sa kilos nya at gulat me dahil last nya akong hinatid....hmm baka magso-sorry...ayan na...heheheeh..naguilty ang mokong....
"Sira-ulo pala ako....bad trip ako..wala akong kwenta...."....
"Oh no! may ESP ka?"
"Tangik! Sa akin mo sinend text mo!"
Di ko na maalala kung ano ang mga sumunod n nangyari..kung tumalon ba ako ng car nya o sumigaw..basta ang alam ko ito ang dahilan ng paranoia nya...tuwing may misunderstanding kami (sa program o sa sked) at nagtetext ako nagrereact agad sya... =P
***
Thursday, August 9, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment